Hosting ng Miss Universe, hindi apektado ng terror threat

Miss UniverseTuloy na tuloy pa din ang nakatakdang hosting ng bansa sa prestihiyosong 65th Miss Universe pageant na gaganapin sa Enero ng susunod na taon sa kabila ng banta ng terorismo.

Ayon kay Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson, Chairman ng LCS Group of Companies na siyang namumuno sa host committee, na hindi nababahala ang pamunuan ng Miss Universe Organization.

Kasabay ito ng nadiskubreng improvised explosive device o IED malapit sa embahada ng Estados Unidos at pagpapatupad ng Terror Alert Level 3 ng PNP.

Dagdag pa ni Singson, kanyang siniguro ang kaligtasan ng mga kandidata ng naturang pageant at maging ang venues para sa pre-pageant activities ay aprubado ng PNP at iba pang law enforcement agencies.

Kaugnay nito sinabi ni Singson na suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang pagdaraos ng nasabing pageant.

 

 

 

 

Read more...