MTRCB, idinaos ang kanilang ikaapat na Family and Child Summit

Kuha ni Rod Lagusad

Idinaos ng Movie and Television Review Classification Board (MTRCB) ang kanilang ikaapat na Family and Child Summit na may temang “Matalinong Panonood Tungo sa Pagsulong ng Kamalayan Para sa Katutubo” na ginanap ngayong araw sa Siena Hall ng Siena College sa Quezon City.

Pinangunahan ni Atty. Eugenio “Toto” Villareal, Chairperson ng MTRCB ang naturang summit sa pagbibigay ng paunang pananalita.

Ayon kay Villareal ang pagbibigay-halaga sa mga indigenous cultural communities at sa mismong mga indigenous people ay importante at ang tamang depiksyon ng mga ito sa telebisyon at pelikula.

Isa sa naging speaker ng naturang summit ay si Dr. Luis P. Gatmaitan, Council Member ng National Council for Children’s Television (NCCT), na isa ring Child Development Specialist.

Kanyang ipinakilala ang Child Friendly Program na Oyayi TV na ipinapalabas sa telebisyon ngayon at kanyang ipinaliwanag ang pagkakahalintulad ng konsepto nito sa mga depiksyon ng mga indigenous people.

Kasama rin sa mga naging speaker ng nasabing summit si Atty. Gwendolyn Pimentel-Gana, Commissioner ng Commission on Human Rights (CHR) at si Atty. Erwin Caliba, Executive Assistant to the Chairperson ng National Commission on Indigenous People (NCIP).

 

 

 

Read more...