Aabot sa 8 milyong mga Pinoy na ang tumigil sa paninigarilyo dahil sa pagbaba ng suplay nito kasunog ng pagtataas ng excise tax sa mga sigarilyo.
Bumaba sa 23% ang smoking prevalence rate noong 2015 mula sa 31% sa nagdaang apat na taon na siyang panahon kung saan bago pa ipinatupad ang Republic Act 10351 na siyang nagpataw ng dagdag na buwis sa yosi.
Ayon kay Philippine Society of General Internal Medicine President Antonio Miguel Dans, kahit malaki na ang bilang ng mga tumigil sa paninigarilyo ay marami pa ang dapat gawin.
Sa kanilang pagtataya, madaragdagan pa ng 2 milyon ang bilang ng mga titigil sa naturang bisyo sa oras na maipatupad na ang unilateral bracket ng naturang batas ngayong taon.
Kaugnay nito, mula taong 2012 hanggang 2015, bumaba ng 25.9% ang average supply ng tobacco sa merkado. Noong taong 2014 ang may pinakamalaking pagbaba na nasa 19.4% ayon sa record ng grupo.