Labingapat na mga pulis na hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang sinibak sa pwesto sa lalawigan ng Negros Occidental.
Ayon kay Chief Insp. Gary Alan Resuma, hepe ng pulisya sa bayan ng Hinigaran, sampu sa mga pulis na ito ang itinalaga sa Regional Police Office ng Autnomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) habang ang apat naman ay inilipat sa provincial police office ng Negros Occidental.
Dagdag ni Resuma, 10 sa mga ito ay mga tauhan at miyembro pa ng Anti-Illegal Drugs Unit.
Umapela naman sa pamunuan ng PNP si Hinigaran Mayor Nadie Arceo na italaga na lamang ang 10 sa mga ito sa kalapit na mga lugar at hindi sa Mindanao.
Gayunman, sinabi ni Senior Supt. William Señoron, Direktor ng pulisya ng Negros Occidental na hindi ito maaaring gaiwn ng sinumang opisyal sa rehiyon dahil nagmula ang utos sa headquarters ng Philippine National Police.