Malacañang umaasa ng mas matatag na ugnayan sa bagong hari ng Thailand

Thai king
AP

Nagparating ng pagbati ang Malacañang sa bagong Thai King na si Maha Vajiralongkorn.

Naitalaga ang 64-anyos na anak bilang bagong hari matapos mamatay ang ama nito na si King Bhumibol Adulyadej noong October 13.

Ayon kay Communications Assistant Secretary Marie Banaag, panatag ang Malacañang na maipagpapatuloy ni Vajiralongkorn ang naumpisahang tagumpay sa nakalipas na pitong dekadang pamumuno ng ama.

Samantala, inanunsyo na ng Thai Palace si Vajiralongkorn bilang King Rama X ng Thailand Chakri Dynasty.

Kokoronahan ang bagong hari matapos ma-cremate ang mga labi ng ama sa susunod na taon.

 

Read more...