Layon ng kanilang isasagawang hunger strike ay ang himukin si Pangulong Rodrigo Duterte na palayain na ang iba pang mga political prisoners.
Sa inilabas na pahayag ng NDF panel, sinabi nilang magsasalitan ang kanilang mga consultants at staff sa pag-sama sa mga political prinsoners sa mga kulungan sa buong bansa.
Kasama naman sa mga magfa-fasting ay ang mga kaanak at taga-suporta ng mga political prisoners sa unang apat na araw, at ipagpapatuloy ang hunger strike naman sa susunod pang apat na araw hanggang December 10.
Ikinasa nila ang nasabing hunger strike matapos masawi ang political prisoner na si Bernabe Ocasla dahil sa stroke.
Siyam na taon na anilang nakakulong si Ocasla dahil sa napagbintangan o gawa-gawa lang na kasong multiple murder.
Kabilang si Ocasla sa listahan ng 130 na may sakit at matatandang preso na ibinigay ng human rights group sa peace panel ng pamahalaan.
Una nang sinabi ng peace panel ng pamahalaan na isa sa mga prayoridad nila ay ang palayain ang mga political prisoners, ngunit ayon sa NDF panel, mismong ang pamahalaan ay sumasablay rin sa kanilang deadlines
Bukod sa mga pag-sablay sa deadlines, binawasan pa anila ng pamahalaan ang listahan hanggang sa 70 pangalan, at posible pa itong bumagsak sa 50 dahil na irn sa kagustuhan ni Duterte.