Watawat sa munisipyo ng Albuera, Leyte, itinaas na kahit hindi pa naililibing si Espinosa

Rolando-Espinosa-1108Sa halip na half-mast, nakataas na sa tuktok ng flag pole ang watawat ng Pilipinas sa munisipyo ng Albuera, Leyte, bagaman hindi pa naililibing ang yumao nilang alkalde.

Mula noong nakaraang buwan ay naka-half-mast lamang ang bandila bilang simbolo ng pagluluksa ng munisipyo sa napatay na si Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.

Agad namang nilinaw ng nakaupong alkalde na si Rosa Meneses na hindi siya ang nag-utos na itaas na ang watawat, dahil nasa Cagayan siya.

Hindi aniya siya nakatitiyak kung sino ang gumawa nito.

Ibinunyag rin niya na hindi na natuloy ang una sanang plano na iburol din si Espinosa sa munisipyo dahil ayon sa anak nito, masyado nang matanda ang kanilang lola para pumunta doon.

Bukas, araw ng Linggo na nakatakdang ihatid sa kaniyang huling hantungan si Espinosa.

Read more...