Matatandaang 71 ang nasawi sa malagim na trahedyang gumulat sa buong mundo, matapos madisgrasya ang sinasakyang eroplano na sinasakyan ng nasabing soccer team nang mag-emergency landing ito dahil sa kawalan ng krudo.
Tanging anim na tao lamang ang nakaligtas, kabilang na ang tatlong miyembro ng soccer team na papunta sana sa Copa Sudamerica final.
Ayon sa Brazilian Air Force, handa nang tumungo ang tatlo nilang Hercules C-130 planes para sunduin ang mga labi ng mga biktima sa Manaus, na nakatakda namang makabalik sa Brazil Sabado ng umaga.
Magkakaroon naman ng funeral services sa Chapeco na hometown ng koponan.