Nagtalaga ng panibagong batalyon ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) sa New Bilibid Prisons.
Sila ang papalit sa naunang tropa ng PNP-SAF na nagbantay at nagpatupad ng seguridad sa bilangguan sa loob ng ilang buwan.
Nasa 410 na miyembro ng SAF na nagbantay sa Bilibid ang pinalitan sa isinagawang pormal na turnover ceremony, Biyernes ng umaga.
Paliwanag ni Bureau of Corrections (BuCor) Deputy Director for Operations Rolando Asuncion, ang palitan sa tropa ay upang maiwasan aniya ang “unholy alliance” sa loob ng piitan.
Nagparating naman ng buong tiwala at suporta si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa tropa ng SAF na bagong mangangasiwa sa piitan.
Pero mahigpit ang bilin ni Dela Rosa sa mga tauhan ng SAF na huwag papaimpluwensya at huwag isasangkot ang sarili sa ilegal na aktibidad sa bilangguan.