Bilang ng mga pamilyang nasa evacuation centers dahil sa armed conflict sa Lanao del Sur, nadagdagan pa

DSWD Photo
DSWD Photo

Dumami pa ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa mga evacuation centers kahit pa natapos na ang armed conflict sa Butig, Lanao del Sur.

Sa update mula sa Department of Social Welfare and Development, nasa 627 na pamilya na ngayon o katumbas ng 3,135 ang inilikas.

Sila ay pansamantalang kinakailanga sa apat na evacuation centers.

Sa kabuuan, ayon sa DSWD, umabot sa 2,927 na pamilya o 14,635 na katao ang naapektuhan ng bakbakan sa pagitan ng Maute group at mga sundalo.

Nasa mahigit 1.6 million pesos naman na ang halaga ng relief na assistance na naipagkaloob ng DSWD-ARMM sa mga apektadong indibidwal.

 

Read more...