Russian space cargo ship, sumabog sa kalawakan

 

Mula sa ndtv.com

Sumabog ang isang unmanned cargo ship na magdadala sana ng suplay sa International Space Station (ISS) ilang sandali matapos itong mag-launch.

Ayon sa Russian Space Agency na Roscosmos, naganap ang pagsabog ng cargo ship sa taas na 190 kilometers mula sa lupa sa ibabaw ng bulubunduking bahagi ng Tuva region ng Russia.

Wala namang banta sa mga tao ang naturang pagsabog dahil nalusaw na ang mga bahagi nito sa pagpasok sa atmosphere.

Lulan sana nito ang 24 na tonelada ng pagkain, kagamitan at fuel na nakalaan para sa crew ng ISS.

Dapat sana ay magda-dock ito sa International Space Station, Sabado.

April 2015 nang sumabog rin ang isang Russian cargo ship na naging dahilan upang mahinto ng tatlong buwan ang space travel operations ng naturang bansa.

Nitong nakaraang buwan lamang lumipad patungong ISS ang tatlong asronauts mula France, Russia at Amerika para sa kanilang tatlong buwan na space mission.

Read more...