Sa kanal na nalagutan ng hininga ang isang hinihinalang tulak ng bawal na gamot sa ikinasang buy-bust operation ng Navotas police operatives sa kant ng C3 road at Dalagangbukid St., Brgy. NBBS, Navotas City.
Target ng operation si Jerome Santilles, na nasa watchlist ng Navotas PNP.
Dati na rin umanong pumasok sa rehabilitation center ang napaslang at hindi sumuko sa Oplan Tokhang.
Ayon kay Navotas City Operations chief Sr. Insp. Anthony Mondejar, nagpanggap na bibili ng shabu ang isa sa kanyang pulis sa suspek na nagkakahalaga ng P200.
Nakatunog umano ang suspek kaya nagtangka itong paputukan ang mga pulis gamit ang improvised shotgun, pero naunahan siya ng nga pulis.
Nalublob pa sa kanal ang biktima bago ito nalagutan ng hininga.
Nakakuha naman ng mga basyo ng bala at ilang sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu sa crime scene.