Giit ng pangulo, walang silbi ang martial law kung idedeklara ito sa bansa.
Paliwanag pa ng pangulo, walang naging magandang kinahinatnan ang naunang martial law noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos.
Hindi rin siya aniya papayag na magkaroon ng kahit anong uri ng pang-aapi sa bansa habang siya ang presidente.
Matatandaang sa mga nakalipas na mga talumpati ni Pangulong Duterte, may ilang pagkakataon na nababanggit nito na minsan ay natutukso siyang ideklara ang martial law dahil sa matinding problema sa droga sa bansa.
Nabanggit din noon ng Pangulo na may posibilidad na mapilitan siyang ideklara ang suspensyon ng writ of habeas corpus kung hindi mahihinto ang ‘lawlessness’ sa Pilipinas.
Gayunman, sinalubong ng matinding batikos ang mga pahapyaw ng pangulo hinggil sa martial law at suspensyon ng writ of habeas corpus.