Dating MRT GM Al Vitangcol, naglagak na ng piyansa

vitangcol2Naglagak na ng piyansa si dating MRT Gen. Manager Al Vitangcol sa Sandiganbayan matapos na  ipaaresto dahil sa kasong katiwalian.

Matatandaang kinasuhan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si Vitangcol dahil sa umano’y pangingikil sa Czech company na inekon noong 2012.

60 thousand pesos ang piyansa ang inilagak na bail o piyansa ni Vitangcol para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Base sa impormasyon ng kaso, ipinadala ni Vitangcol ang kapwa akusado nitong si Wilson de Vera ng PH Trams para mag-alok sa Inekon Group kapalit ng kontrata para sa suplay sa MRT Expansion Project.

Humingi raw ito ng 30 milyong dolyar kay dating Czech Ambassador Josef Rychtar sa mismong bahay nito sa Forbes Park noong July 9, 2012.

Pero muling itinanggi ni Vitangcol ang mga akusasyon at sinabing gawa gawa lamang ang alegasyon laban sa kanya.

Selective din umano ang Ombudsman sa pagprosecute, kahit na walang basehan ang kaso.

 

 

Read more...