Sibilyan, itinalaga para mamuno sa PNP IAS

pnp iasNagtalaga na ang Malacanang ng isang sibilyan upang pamunuan ang PNP Internal Affairs Service sa katauhan ni Atty. Alfegar Triambulo.

Si Atty. Triambulo ang Assistant Director for the Inspection, Monitoring and Investigation Services ng Napolcom bago nahirang na bagong Inspector General ng IAS.

Nagsilbi sa Napolcom mula noong 1990, at naging Regional Director of Napolcom Region 11.

Ayon kay Triambulo, mahalaga na isang sibilyan ang mamuno ng IAS upang mawala ang agam-agam ng publiko na magiging bias ang mga desisyon pabor sa mga pulis.

Maliban dito, nais din niyang palakasin ang Intelligence Division ng IAS para sa mas malalim na internal cleansing upang matugis ang mga police scalawags.

Samantala, mananatili naman bilang Deputy Inspector General ng IAS si CSupt Leo Leuterio.

 

 

Read more...