Terror Alert Level 3 sa tatlong lugar lang umiiral

malacanang-fb-07234Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na hindi nasa ilalim ng Terror Alert Level 3 ang buong bansa.

Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, tanging sa Davao, Cotabato at Zamboanga lamang ipinatutupad ang Terror Alert Level 3.

Dagdag ni Esperon, rekomendasyon at pinagaaralan pa lamang kung isasailalim sa Terror Alert Level 3 sa Metro Manila.

Paliwanag ni Esperon, nais lamang ng pamahalaan na maproteksyunan ang taong bayan kung kaya ipinatupad ang Terror Alert Level 3.

Sa ngayon ayon kay Esperon, inilagay sa full alert status ang buong pwersa ng Philippine National Police dahil na rin sa panahon ng kapaskuhan at posibleng demonstrasyon.

Read more...