Kaugnay nito, hinikayat ni Anakbayan National Chairperson Vencer Crisostomo ang publiko na magbantay lalo’t itinyempo ito sa magkakasunod na Anti-Marcos at Duterte protest.
Nagpahayag din ng pagkaalarma ang grupo sa mala Marcos na pahayag nito tulad ng bantang pagpatay sa mga human rights advocates, bantang suspensyon ng writ of habeas corpus at deklarasyon ng batas militar.
Malinaw aniya sa mga banta ni Duterte na role model nito si dating pangulong Ferdinand Marcos.
Dapat din aniyang mag ingat ang mga pilipino sa mga panukala ng pangulo na pagbuhay sa Philippine Constabulary (PC) at Reserve Officers Training Course (ROTC).