Mga immigration personnel na masasangkot sa kalokohan sisibakin agad

china clark
Inquirer file photo

Siniguro ng Bureau of Immigration na walang mangyayaring whitewash sa deportation proceedings laban sa mahigit 1,000 Chinese nationals na nahuli sa Clark, Pampanga noong nakaraang linggo.

Nahuli ang mga dayuhan bunsod ng pagtatrabaho sa bansa nang walang mga legal na dokumento.

Paglilinaw ni Immigration Commissioner Jaime Morente, magsasagawa ng isang pagdinig ang Board of Commissioners kaugnay sa kinakaharap na kaso ng mga ito.

Nangako naman ang immigration official ng speedy resolution na magiging bukas sa kaso upang malinis ang mga kumakalat na balita sa nagyayaring suhulan umano sa ahensiya.

Bilang tugon, agad aniyang sisibakin sa pwesto ang sinumang opisyal na masasangkot sa mga anomaly sa loob ng Bureau of Immigration.

Maliban sa Pampanga, may ilang lugar pa ang kasalukuyang nasa surveillance ng mga B.I officials kaugnay sa pinaniniwalaang pagpasok ng mga illegal aliens sa bansa.

Read more...