Ninakaw lamang ang pagkakakilanlan ni Senador Joey Villanueva sa diumano’y maanomalyang paggamit sa kanyang pork barrel.
Ani Villanueva, nais niyang malinis ang kanyang pangalan sa isyung ito.
Paliwanag ng Senador, pineke lamang ang kanyang pirma at ang mga letterhead na ginamit para isagawa ang panlolokong ito.
Dagdag niya, hindi na mahirap gumawa ng pekeng dokumento sa panahon ngayon.
Ito ang ipinahayag ni Villanueva matapos ang ilabas ng Senate legal counsel ang rekomendasyon nito ukol sa pagsibak sa kanya sa pwesto.
Ipinaliwanag ng mambabatas na kahit saang forum ay nakahanda siyang harapin ang nasabing isyu.
Ipinag-utos ng Ombudsman noong Nobyembre na sibakin sa serbisyo-publiko si Villanueva matapos makitang guilty sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.