Ayon sa Forbes, ang 26 anyos na si Taylor Swift ay mayroong 170 million dollars na kinita sa kaniyang tours, recordings, endorsements at iba pa kaya siya ang kinilala bilang 2016 highest paid musician.
Samantala, sinundan si Swift ng grupong One Direction, na kumita ng 110 million dollars at nasa 3rd rank ang nagpasikat ng awiting “Hello” na si Adele, 28 anyos na may 80.5 million dollars na earnings.
Nasa ikaapat na pwesto naman Madonna, na may gross income na 76.5 million dollars.
Ang iba pang nasa top 10 ay sina Rihanna, country star Garth Brooks, ang veteran rock band na AC/DC, ang grupong Rolling Stones, si DJ Calvin Harris at rapper, singer, actor Sean “Diddy” Combs.