State of calamity idineklara sa Buhi Lake dahil sa fish kill

Lake Buhi Camarines SurIsinailalim sa state of calamity ang Lake Buhi sa Camarines Sur dahil sa nararanasang fish kill doon.

Sa datos ng mga lokal na pamahalaan, umabot na sa 1,000 na fish cage owners ang apektado ng fish kill.

Kadalasang nangyayari ang fish kill matapos ang ilang araw na patuloy na pag-ulan.

Maari din umanong ang chemical mula sa pagkain ng isda ang nagreresulta sa kanilang pagkamatay.

Sa pagtaya, aabot na sa kalahating milyong piso ang halaga ng pagkalugi bunsod ng insidente ng fish kill.

Nakatakda namang makipagpulong ang lokal na pamahalaan ng Buhi sa mga opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para matugunan ang problema.

 

 

Read more...