Mahigit 2,000 katao pa ang nasa evacuation centers dahil sa armed conflict sa Lanao Del Sur

Nasa mahigit dalawang libong katao pa rin ang nananatili sa mga evacuation centers sa Lanao Del Sur, na epekto ng ginawang pagkubkob ng Maute Group sa ilang bahagi ng bayan ng Butig.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa 12,250 katao na naapektuhan ng armed conflict, 2,075 na katao pa ang nananatili sa tatlong evacuation centers.

Sa kabuuan, sinabi ng DSWD na umabot na sa mahigit P1.1 million pesos ang halaga ng naipamahagi nilang relief assistance sa mga apektadong pamilya.

Kabilang dito ang 1,500 na food packs at limang daang sako ng bigas.

Tiniyak naman ng DSWD na sapat ang kanilang naka-standby na supplies para maipantulong sa mga pamilya sakaling magtagal pa sila sa evacuation centers.

 

 

 

Read more...