Temperatura sa bansa, unti-unti muling lalamig; Amihan umiiral na sa Northern Luzon

Walang sama ng panahon na binabantayan ang PAGASA sa loob at labas ng bansa.

Ayon sa PAGASA ang Northeast Monsoon o Hanging Amihan ay umiiral na ngayon sa Extreme Northern Luzon.

Ngayong araw, sinabi ng PAGASA na makararanas ng mahinang pag-ulan sa Batanes, Babuyan at Calayan.

Habang thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.

Una nang sinabi ng PAGASA na sa susunod na tatlong araw ay walang bagyo na lalapit sa Philippine Area of Responsibility.

Aasahan din na sa weekend ay mararamdaman na din ang Amihan sa iba pang bahagi ng Luzon gaya ng Bicol Region.

 

Read more...