Nagsagawa ng magkakahiwalay na pagkilos at programa ang magkakaibang grupo kasabay ng paggunita ngayong araw ng Bonifacio Day.
Sa Mendiola Maynila, maagang nagtayo ng entablado ang nagpakilalang pro-Duterte group na “Kilusang Pagbabago”.
Ayon kay Bonnie Del Frado, miyembro ng naturang grupo, pakay ng pagtitipon na iparating ang magagandang proyekto ng gobyerno para sa bansa.
Dagdag pa ni Del Frado, nais ng grupo na maipaalam ang mga proyekto ng gobyerno lalo na sa mga mahihirap na hindi naaabot ng impormasyon ukol dito.
Paglilinaw pa nito, walang kinalaman ang kanilang pagtitipun-tipon sa mga ikakasang kilos-protesta laban sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng Mga Bayani.
WATCH: Nagpakilalang Pro Duterte group na “Kilusang Pagbabago” nagtitipun-tipon sa Mendiola, Maynila | @AngellicJordan pic.twitter.com/tmJK8bmrBz
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 29, 2016
WATCH: Nagpakilalang Pro Duterte group na “Kilusang Pagbabago” nagtitipun-tipon sa Mendiola, Maynila | @AngellicJordan pic.twitter.com/FTVFZzTxSC
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 29, 2016
LOOK: Nagpakilalang Pro Duterte group na “Kilusang Pagbabago” nagtitipun-tipon sa Mendiola, Maynila | Photos via Richard Garcia pic.twitter.com/qK9zIhSMvB
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 29, 2016
Mahigpit naman ang seguridad na ipinatupad ng Philippine National Police sa lugar. Isinara at nilagyan ng barb wires ang Mendiola gate upang ma-kontrol ang mga makikiisa sa programa.
Samantala, sa hiwalay na pagkilos, nagsama-sama sa isang martsa patungo rin ng Mendiola ang grupong “Kilusan para sa Pambansang Demokrasya”.
Sa nasabing pagkilos, tinutulan ng grupo ang pamamalakad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno partikular ang anila ay patuloy nap ag-ral ng kontraktuwalisasyon, at iba pang isyu ng bansa.
Ayon kay Jay De Jesus, spokesperson ng True Colors Coalition Kilusan, nais iparating ng grupo na dapat ipagpatuloy ang rebolusyon ni Andres Bonifacio at tunay na pampublikong serbisyo nito sa kasalukuyang administrasyon.
Dagdag pa nito, wala aniya pinagkaiba ang pamamalakad ng nagdaang Aquino administration sa mga ipinapatupad ni Duterte ngayon.
Samantala, nakahanda naman ang pwersa ng PNP upang ma-kontrol ang seguridad at kaayusan sa naturamg lugar.
Hinarangan na rin ang grupo sa bahagi ng Morayta para maiwasang magpang-abot sila ng pro-Duterte group na nasa Mendiola.
WATCH: Mula Welcome Rotonda hanggang Morayta ang iba’t ibang labor groups na target magsagawa ng protesta sa Mendiola | @AngellicJordan pic.twitter.com/mVM8Ox5743
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 30, 2016
LOOK: Iba’t ibang grupo nagsasagawa ng protesta sa Morayta | photos via @AngellicJordan & Richard Garcia pic.twitter.com/OxJDNFX81P
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 30, 2016
LOOK: Iba’t ibang grupo nagsasagawa ng protesta sa Morayta | photos via @AngellicJordan & Richard Garcia pic.twitter.com/mylCjG7gNJ
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 30, 2016