Ipinagdiwang sa Lungsod ng Maynila ang ika-153rd na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.
Nagsagawa ng wreath-laying ceremony sa Liwasang Bonifacio ganap na alas 8:00 ng umaga.
Sa nasabing aktibidad, sinariwa din ang kadakilaan at kabayanihan ni Bonifacio.
Nabigo naman si Manila Mayor Joseph Estrada na makadalo sa pagdiriwang dahil namamaga at masakip umano ang ngipin nito.
Sa halip, ang ibang mga opisyal ng Manila City Hall at mga mag-aaral mula sa dalawang State University sa lungsod ang dumalo sa aktibidad.
LOOK: Mga kaganapan sa Bonifacio Shrine malapit sa Mla City Hall | @AngellicJordan #BonifacioDay pic.twitter.com/0fG4f0MfUv
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 30, 2016
Samantala, sa Bonifacio Monument naman sa Caloocan, alas 7:00 pa lamang ng umaga sinimulan na ang aktibidad sa pamamagitan ng flag-raising at wreath laying ceremony.
Dumalo sa seremonya si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, Rep. Along Malapitan at Rep. Edgar Erice.
Present din ang mga kaanak ni Gat Andres Bonifacio kabilang ang apo niya sa pamangkin na si Paolo Bonifacio.
LOOK: Paolo Bonifacio (nasa gitna) apo ni Procopio Bonifacio na kapatid ni Gat Andres Bonifacio | @RickyBrozas pic.twitter.com/IVmFWVmVHs
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 30, 2016
Ang Monumento Circle ay isinara sa daloy ng trapiko mula hatinggabi hanggang mamayang alas 11:59 ng gabi.
LOOK: Mga kaganapan sa Monumento Circle, Caloocan sa paggunita ng #BonifacioDay | @RickyBrozas pic.twitter.com/4opdghKfOa
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 29, 2016
LOOK: Mga kaganapan sa Monumento Circle, Caloocan sa paggunita ng #BonifacioDay | Photo via Jun Corona pic.twitter.com/9bsTYqkc0W
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 29, 2016
LOOK: Mga kaganapan sa Monumento Circle, Caloocan sa paggunita ng #BonifacioDay | @RickyBrozas pic.twitter.com/YseE4AgYQB
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 29, 2016
LOOK: Wreath laying ceremony sa Monumento Circle pic.twitter.com/5997qrrKkJ
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 30, 2016