Ang una ay naganap sa Osmena Highway, San Andres Bukid Maynila pasado alas 3:00 ng madaling araw.
Nasawi ang rider na si Joshua Mari Webb, 24 anyos makaraang mabangga at makaladkad siya ng sampung metro ng isang cement mixer truck na minamaneho ni Mario Lamigos.
Nabatid na isang call center agent si Webb at naghatid lamang ng kaibigan sa Pasay City sakay ng motorsiklo na Honda XRM125 at may plate number 2J9628.
Habang arestado naman Lamigos 46-anyos at residente ng Taytay Rizal.
Aminado naman si Lamigos na nasagasaan niya si Webb, pero itinaggi nito na nakatulog siya o nakaimon.
Sa kwento ni Lamigos, binabagtas nila ang Osmeña Highway papunta ng Bulacan nang bigla umanong mag-overtake ang motorsiklo. Nagulat na lamang siya nang pumailalim sa truck ang motor.
Samantala, sa Barangay Maly, San Mateo Rizal, maagang naabala ang daloy ng traffic matapos ang aksidenteng naganap sangkot ang isang motorsiklo, UV Express at dump truck pasado alas kwatro ng umaga.
Sa ulat mula sa Incident Command and Control Center ng San Mateo, agad nasawi ang driver ng motorsiklo matapos ang aksidente.
Nakatakdang i-review ng mga otoridad ang CCTV footage sa lugar upang matukoy kung ano ang pinagmulan ng aksidente sangkot ang tatlong nabanggit na sasakyan.
Dahil sa nasabing aksidente, maagang naabala ang mga motoristang palabas at papasok ng Rodriguez Rizal.
Pasado alas sais na kasi nang umaga, nang maialis sa lugar ang nasawing motorcycle rider.