Walang bagyo sa bansa sa susunod na 3 hanggang 4 na araw

Magiging maaliwalas ang panahon sa bansa sa susunod na mga araw ayon sa PAGASA.

Sinabi ni PAGASA forecaster Benison Estareja, walang bagyong papalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlo at apat na araw.

Tanging tail-end ng cold front ang naka-aapekto ngayon sa eastern section ng Northern Luzon at buntot ng Low Pressure Area sa Mindanao.

Samantala, sa pagtaya ng panahon, sinabi ng PAGASA na makararanas lamang ng moderate na pag-ulan ang Mindanao at ang mga rehiyon ng Cagayan Valley, Central Visayas at lalawigan ng Ilocos Norte at Southern Leyte.

Maulap na papawirin naman na mayroong isolated rainshowers ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.

 

 

Read more...