Mga binibitiwang salita, dapat nang ingatan ni Pres. Duterte-FVR

 

Grig Montegrande/Inquirer

Dapat na kontrolin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang Gabinete at maging ang istilo ng pananalita nito sa publiko.

Ito ang payo ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa pangulo sa kanyang pagharap sa Meet the Inquirer Multimedia Forum (MIM) kahapon.

Paliwanag ni Ramos, ‘very well qualified’ si Duterte sa puwesto at maging ang kanyang mga miyembro ng Gabinete at lahat ng mga tauhan nito.

Gayunman, hanggang ngayon aniya ay tila hindi pa rin organisado at nagkakaisa ang mga ito kahit halos nakaka-limang buwan na buwan na sa puwesto.

Dapat aniya, lahat ng miyembro ng pamahalaan at maging ang bawat Pinoy ay batid nagkakaisa at ayusin ang mga kasalukuyang problema sa bansa.

Sa kabila ng mga pagkukulang, nanawagan si Ramos sa publiko na bigyan ng ‘benefit of the doubt’ ang presidente at kanyang pamahalaan.

Sa istilo naman ng palagiang pagmumura, dapat aniyang dumating ang panahon na matuto nang maging isang tunay na Presidential leader si Duterte.

Read more...