2 bangkay, magkahiwalay na natagpuang lumulutang sa Quezon at Cebu

police-line1Palutang-lutang at wala nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang 23-anyos na lalaki sa isang creek sa Barangay Kamputhaw sa Cebu City kahapon.

Kinilala ang lalaki na si Ron Harold Diaz na residente ng Gonzales Compound sa Kamputhaw, at tatlong araw nang pinaghahanap ng kaniyang pamilya bago natagpuan ang kaniyang bangkay.

Pinaniniwalaang nahulog si Diaz sa creek noong November 26 nang hindi siya umuwi sa kanilang tahanan.

Ayon kay PO3 Alberto Diamante ng Cebu City Police homicide division, sa ngayon ay wala pa silang nakikitang indikasyon ng foul play pero isasailalim pa rin nila sa autopsy ang bangkay.

Samantala, sa hiwalay na insidente ay natagpuan rin ang isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na palutang-lutang sa Lamon bay sa Plaridel, Quezon.

Sa inisyal na imbestigasyon, tinatayang nasa 35 hanggang 40 anyos na ang nasabing lalaki na dinala na ng mga otoridad sa punerarya.

Patuloy rin namang iimbestigahan ng pulisya ang insidente, at kung ano talaga ang ikinasawi ng naturang lalaki.

Read more...