Inaprubahan na ng House subcommittee on judicial reforms ang panukalang pagbabalik sa death penalty.
Sa pagdinig na ginawa ng nasabing sub-panel, anim na kongresista ang bumoto sa bersyon ng panukala kung saan kabilang sa mga krimen na papatawan ng death penalty ay ang mga heinous crimes tulad ng iligal na droga, murder, rape, arson at kidnapping.
Limang iba pang mambabatas naman ang bumoto sa bersyon na nililimitahan lang ang parusang bitay sa mga krimen na may kinalaman sa iligal na droga.
Dahil dito, sunod nang isasailalim sa deliberasyon ng House committee on justice ang panukalang pagbabalik sa death penalty, at oras na maaprubahan ito ay iaakyat na ito sa plenaryo.
Mababatid na isa sa mga priority measures ng Kamara ang re-imposition ng death penalty na ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez ay inaasahang maipapasa na bago ang Christmas break ng Kongreso.