Vigil ng mga kontra Marcos burial, nagpapatuloy sa LNMB

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Bilang paghahanda sa gagawing kilos-protesta ngayong araw, sa harapan ng Libingan ng mga Bayani (LNMB) nagpalipas ng gabi ang bagong tatag na grupong ‘Block Marcos’.

Ang grupo ay nagtitipun-tipon upang kondinahin ang pagkalibing kay dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sumama rin sa nagpapalipas ng gabi ang ibang sektor tulad ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino sa pangunguna ni Ka Leody De Guzman.

Naniniwala si De Guzman hindi daw dapat baluktutin ang kasaysayan at dapat na alalahanin ang hirap na dinanas sa ilalim ng diktador.

Ayon kay De Guzman, pagkatapos ng vigil nila mamayang alas-6:00 ng umaga, magtutungo naman ang ‘Block Marcos’ group sa Mehan Garden sa Maynila para makiisa sa isasagawang programa para sa paggunita ng Bonifacio Day na siyang tunay na bayani.

Ayon sa PNP, hindi bababa sa 100 katao na karamihan ay mga estudyante at ilang mga lider ng ibat-ibang grupo na nakiisa sa bagong tatag na grupong Block Marcos ang nasa lugar ngayon ng LNMB.

Read more...