Russia, walang balak na bumuo ng military alliance sa mga bansa sa Asya Pasipiko

 

AP Photo

Walang balak na bumuo ng military alliance ang Russia sa Asia Pacific region na kinabibilangan ng Pilipinas.

Ayon kay Russian Ambassador Igor Khovaev, strategic partnership lamang ang nais ng russia.

Hindi kasi umano nila istilo ang pakikipag-alyansa sa ibang bansa para lamang matiyak ang seguridad ng mga ito.

Giit ni Khovaev, naniniwala ang Russia sa pantay pantay na seguridad sa bawat rehiyon.

Samantala, bukod sa military modernization, nakahanda rin umanong umanong tumulong ang Russia sa pagpapaunlad ng telekomunikasyon, elektrisidad maging ng rail road system sa bansa.

Read more...