Pinayuhan ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos si Vice President Leni Robredo na manatili sa team ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay kahit pa galing sa partido Liberal si Robredo habang ang pangulo naman ay kasapi ng PDP-Laban.
Ayon sa dating pangulo, hindi na uso ngayon ang pagkakahati-hati sa pulitika.
Bilang isang team, sinabi ni Ramos na dapat na maging tandem sina Duterte at Robredo.
Samantala, Pinayuhan naman ni dating pangulong Fidel Ramos si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na huwag magmadali sa ambisyong maging pangulo ng bansa.
Ayon kay Ramos, bata pa si Marcos at may sapat na panahon pa ito para makabalik sa Malacañang kung ito ang kanyang kapalaran.
Ginawa ni Ramos ang pahayag kasunod na rin ng inihaing protesta ni Marcos sa Korte Suprema na kumukwestyun sa pagkapanalo ni Robredo sa katatapos na May 2016 elections.
Aminado si Ramos na malapit sa kanya si Marcos dahil second cousin niya si dating Pangulong Ferdinand Marcos.