LOOK: Christmas train ng LRT line 1, pampa-good vibes sa commuters

Photo via DOTr
Photo via DOTr

Inilunsad ng pamunuan ng Light Rail Management Corporation (LRMC) ang tinagurian nitong “Christmas Train” na nilagyan ng magagandang disenyo para sa nalalapit na Pasko.

Photo via DOTr

Sa labas ng tren, normal na itsura ng LRT line 1 ang makikita ng mga pasahero pero sa sandaling pumasok na sila sa tren, magagandang Christmas decorations ang bubungad sa kanila gaya ng mga hawakan na dinesenyuhan na parang candy cane, Christmas lantern sa kisame at mayroon pang belen.

Ayon kay LRMC corporate communications head Rochelle Gamboa ang Christmas Train ay layong kahit paano ay pagaanin ang ‘mood’ ng mga pasahero na araw-araw ay pagod sa trabaho, naiipit sa traffic at nahihirapang sumakay.

Christmas Train | Photo via DOTr

Nakatakda namang maglunsad ng ‘selfie’ contest ang LRMC sa kanilang Christmas Train na ang dekorasyon ay pananatilihin hanggang sa January 8, 2017.

Maliban dito, simula sa December 2, magkakaroon ng concert series ang LRMC sa kanialng Doroteo Jose Station sa Maynila.

Bilang bahagi pa rin ng kanilang proyekto ngayong holiday season, simula sa December 3, ay libreng makasasakay sa LRT line 1 kada weekend ang mga senior citizen at persons with disability.

 

Read more...