Pormal nang nagpalabas ng show cause order ang Mababang Kapulungan ng Kongreso laban kay Senator Leila De Lima.
Ayon kay House committee on justice chairman Reynaldo Umali ang utos ng kamara ay kasunod ng bigong pagsipot ni De Lima sa pagdinig kaugnay sa drug trade sa Bilibid at ang paghimok nito sa dating driver-bodyguard at umano’y bagman na si Ronnie Dayan na sumipit din sa kamara.
Binigyan lamang ng kamara si De Lima ng 72 oras para magpaliwanag.
Una nang kinumpirma ng senadora na pinayuhan nga niya si Dayan na isnabin ang subpoena ng kamara.
Gayunman, ayon kay De Lima hindi nila kikilalanin ang nasabing show cause order dahil kailangan niyang protektahan ang kaniyang sarili sa “persecution” na ginagawa sa kaniya ng mababang kapulungan.
Kahapon, nagpulong sa kamara sina Umali, House Speaker Pantaleon Alvarez, House Majority Leader Rodolfo Fariñas, kasama sina Senate President Koko Pimentel III, Senate Majority Leader Tito Sotto, Senate Justice and Human Rights Committee Chairman Senator Richard Gordon at Sen. Gringo Honasan.
Sa nasabing pulong, napagkasunduan umano na walang arestuhang magaganap, o hindi ipaaaresto ng kamara si De Lima.