PAGCOR, nag-abot ng pinansyal na ayuda kay Pangulong Duterte para sa mga proyekto ng pamahalaan

King Rodriguez | Presidential Photo
King Rodriguez | Presidential Photo

Nagbigay ng P5 bilyon ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Mismong si PAGCOR Chairman at CEO Andrea Domingo ang nag-abot ng tseke kay Pangulong Duterte sa Malakanyang.

Kasama rin ni Domingo na dumating sa Malakanyang si PAGCOR COO Alfredo Lim at ang iba pang mga opisyal ng ahensya.

Ang nasabing pondo ay gagamitin iba’t ibang socio civic projects na ipinatutupad ng Office of the
President.

Matatandaang sinabi ng pangulo na dapat gamiti sa medical assistance ang kita ng PAGCOR.

 

 

Read more...