MRT nagka-aberya, mga pasahero pinababa sa Cubao station

Pinababa ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) sa Cubao station, matapos magka-aberya ang isa nitong tren.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) alas 8:10 ng umaga nang makaranas ng aberya ang MRT sa Cubao station northbound dahilan para pababain ang mga pasahero at palipatin sa kasunod na tren.

Makalipas ang apat na minuto agad naman umanong naibalik sa normal ang ang operasuon ng tren.

Ayon sa DOTr, nakaranas ng technical failure ang nasabing tren.

“To ensure the safety of our passengers, train unloaded passengers at 08:10 AM, Cubao Station (NB).
Paumanhin po sa abala,” nakasaad sa post ng DOTr sa kanilang official twitter account.

Kahapon, nagka-aberya din ang MRT sa kasagsagan ng rush hour pasado alas 7:00 ng gabi matapos na magkaproblema ang isa nitong tren at pinababa ang mga pasahero sa bahagi ng Ayala Avenue station northbound.

 

 

Read more...