Base sa anunsyo ng iba’t ibang kumpanya ng langis, mahigit piso ang idadagdag nila sa kada litrong halaga ng kanilang mga produkto.
Magpapatupad ng P1.50 na dagdag sa halaga ng kada litro ng gasolina, habang P1.20 naman sa presyo ng kada litro ng diesel ang Shell, Phoenix, Eastern, Unioil, PTT, SeaOil, Total, Jetti, Petron, epektibo alas-6:00 ng umaga.
Gayundin ang Flying V na mas maagang nagpatupad simula pa kaninang hatinggabi.
Magkakaroon rin ng P1.40 na dagdag sa halaga ng kerosene ang Petron, SeaOil, Shell at Flying V.
Ito na ang nakikitang epekto ng pagbagsak ng halaga ng piso kada dolyar noong mga nakaraang linggo, dahil dolyar ang ipinambibili sa mga inaangkat na produktong petrolyo.