“Marce” tuluyan nang nakalabas ng PAR

 

Kasunod ng tuluyang paghina at pagiging low pressure area (LPA) na lang ng “Marce,” tuluyan na rin itong nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Base sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA  huli itong namataan sa 440 kilometers ng West Dagupan City.

Wala na rin anila itong direktang epekto sa bansa.

Bagaman nakalabas na ng bansa ang LPA, nagpaalala pa rin ang PAGASA sa mga mangingisda na umiwas muna sa pag-palaot sa northern at western seabords ng Northern Luzon.

Read more...