19 na bayani, kikilalanin sa Bantayog ng mga Bayani

 

Niño Jesus Orbeta/Inquirer

Tatlong pangalan ng mga mamamahayag kabilang na ang yumaong editor in chief ng Inquirer na si Ginang Letty Jimenez-Magsanoc ang kasama sa labingsiyam na katao na mapapabilang sa roster of heroes sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon city.

Sa isang okasyon na isasabay sa ika-30 anibersaryo ng Bantayog ng mga Bayani Foundation, pormal na isasama ang mga pangalan nina Magsanoc at 18 pang honorees sa naturang listahan.

Si Magsanoc ang yumaong editor in chief ng PDI mula 1990 hanggang 2015.

Bago ito, naging editor ng Panorama magazine si Ginang Magsanoc mula 1970 hanggang 1980.

Mula sa Inquirer

Sa naturang magazine, ginamit nito ang kakayahan sa pagsusulat upang hamunin ang noo’y rehimeng Marcos.

Bukod kina Magsanoc, 74 (1941-2015), kasama rin sa mamamahayag na mahahanay at kikilalanin bilang mga bayani sina Antonio L. Zumel, 69 (1932-2001) at Lourdes Estella-Simbulan, 53 (1957-2011).

Pito naman sa mga honorees ay mula sa youth sector, kabilang na sina Marciano Anastacio Jr., 27 (1955-1982); Eduardo Q. Aquino, 20 (1953-1973); Fortunato Camus, 26 (1949-1976); Hernando Cortez, 29 (1954-1983); Edgardo Dojillo, 24; Ricardo P. Filio, 22 (1953-1976) at Joel O. Jose, 35 (1951-1987).

Ang pito ay nasawi sa kalagitnaan ng martial law sa pagitan ng 1972 hanggang 1986.

Tatlo naman ay nagmula sa sektor ng simbahan na sina Bishop Julio L. Labayen, 89 (1926-2016); Romulo Peralta, 60 (1941-2001) at Jose T. Tangente, 37 (1949-1987).

Nagmula naman sa iba’t-ibang sektor ang ilan pa sa mga kakagawaran ng pagkilala na sina Jovito R. Salonga, 95 (1920-2016), public servant, lawyer, senator; Simplicio Villados, 70, (1928-1998), labor; Danilo Vizmanos, 60 (1928-1998), professional, retired soldier; Manuel G. Dorotan, 35 (1948- 1983), professional; Ma. Margarita F. Gomez, 65 (1947-2012), women’s sector; Benjamin H. Cervantes, 74 (1938-2013), mula sa sektor ng sining.

Ang kanilang mga pangalan ay permanenteng iuukit sa itim na granite na pader na tinaguriang ‘Wall of Remebrance’.

Read more...