Ayon kay Chief PNP Dela Rosa, nagpaliwanag sa kanya si Dolina tungkol sa alegasyon ni Kerwin pero tumanggi naman si Bato na idetalye pa ang kanilang napag-usapan.
Samantala, tali naman ang kamay ng PNP kay Dolina dahil wala na aniya ito sa hurisdiksyon ng pulisya.
Nasibak sa serbisyo si Dolina sa pamamagitan ng desisyon ng Ombudsman dahil naman sa pagkakasangkot nito sa anomalya ng pagbili ng rubber boat para sa PNP.
Kahit binaliktad ng CA o Court of Appeals ang desisyon ng Ombudsman, pero wala pa itong finality kaya’t hindi pa nakababalik sa serbisyo bilang pulis si Dolina.
Giit ni Bato, ipapaubaya na lang ni Chief PNP Dela Rosa sa CIDG na magsampa ng kaso kay Dolina bilang isang sibilyan.