PNP Chief, magpapadasal para umulan sa Nov. 30 Marcos burial protest

 

Wala umanong gagawing preparasyon o paghahanda ang pamunuan ng PNP sa panibagong kilos protesta na isasagawa ng mga tutol sa Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani.

Sa halip na maghanda, sinabi ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa na uutusan nya ang lahat ng mga pari ng PNP na ipagdasal na umulan sa Nobyembre a-30 sa ikinakasang panibagong kilos protesta ng mga tutol sa Marcos burial.

Biro ni Bato, itoy para hindi makapagtipon-tipon ang mga magra-rally na kontra sa paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa LNMB.

Pero, paglilinaw ni Bato, hindi nila haharangin ang mga ralliyista sa mga kalsada at mga parke basta hindi naman sila lilikha o gagawa ng kaguluhan.

Read more...