Ayon kay butig Mayor Dimnatang Pansar, labinganim na libong residente na sa kanilang bayan ang nailikas, katumbas ito ng 90 porsyento ng populasyon ng buong Butig.
Pansamantala ay dinala sa Marawi City ang mga inilikas na residente para maiwasan na sila ay maipit sa bakbakan.
Samantala, ayon kay Col. Roseller Murillo, commander ng 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army, nasa 300 miyembro ng Maute Group ang nasa bahagi ng Butig.
Karamihan kasi sa mga miyembro ng grupo ay residente sa naturang bayan.
Sinabi ni Murillo na noong Sabado, nagtaas pa sila ng bandila ng ISIS sa isang luma at abandonadong municipal building.