PLDT at Globe, pipirma sa kasunduan para sa mas mababang interconnection fee

 

Itutuloy na ng mga telco giants na PLDT Inc. at Globe Telecom ang pinakahihintay na pagkaltas sa interconnection fee sa mga subscribers na tumatawag sa pagitan ng kanilang mga networks.

Dahil dito, inaasahang magiging mas mura na ang voice rates, o ang halaga ng tawag sa pagpasok ng taong 2017.

Ayon sa sources ng Inquirer na may alam sa nasabing usapin, lalagda na ng kasunduan ang PLDT, na nagmamay-ari din sa Smart Communications, at ang Globe na para ibaba sa P2.50 kada minuto ang kasalukuyang P4 kada minutong interconnection rate.

Inaasahang magaganap ang pirmahan ngaong araw, at magsisilbing testigo ang mga opisyal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommincations Commission (NTC).

Inaasahang mararamdaman na sa Enero ng susunod na taon ang mas mababang singil sa pagtawag sa magkalabang networks.

Isinulong na rin ito ng makabilang kumpanya dahil mas mababang kita na naitala nila mula sa mga voice calls.

Ito ay dahil sa tinatawag na digital shift, kung saan mas pinipili na ng mga subscribers na gumamit ng data at tumawag sa pamamagitan ng social media at instant messaging apps tulad ng Facebook at Viber.

Read more...