Maute Group, inaaksyunan na ni Pangulong Duterte-Dureza

 

Gumagawa na umano ng mga malalaking hakbang si Pangulong Rodrigo Duterte upang masolusyunan ang problema ng Maute Terror Group na nakabase sa Lanao Del Sur.

Ayon kay Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, batid ni Pangulong Duterte ang sitwasyon sa Lanao Del Sur kaya’t ginagawan na ito ng paraan ng pangulo.

Patuloy rin aniya ang pagmonitor ng pangulo sa mga kaganapan sa bayan ng Butig kung saan nagkuta ang Maute group sa ilang mga gusali doon kabilang na ang isang lumang munisipyo.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa militar upang tumulong sa sitwasyon.

Umaayuda rin aniya ang MILF sa paglikas sa mga residenteng naapektuhan ng opensiba laban sa Maute group na napilitang umalis sa kanilang mga lugar sa pangambang madamay sa bakbakan.

Ayon sa military, nasa 11 miyembro ng Maute group ang napatay sa opensiba ng military simula pa kahapon.

Read more...