Dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig sa Magat at Pinakanawan River, hindi na madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang mga overflow bridges sa Isabela.
Ito ay bunsod pa rin ng nararansang mga pag-ulan sa nakalipas na magdamag na dala ng bagyong Marce.
Kasabay nito, inabisuhan ang publiko na maaari magpakawala ng tubig ang Magat Dam sakaling magpatuloy ang pagtaas ng lebel ng tubig nito.
Kaninang umaga ay umabot sa 191.27 meters ang lebel ng tubig sa Magat Damat dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.
Kabilang sa mga hindi na madaanan na tulay ay ang Angadanan-Pigalo Bridge, Baculod Overflow Bridge at San Antonio Overflow Bridge sa Ilagan City, Santo Tomas Overflow Bridge at Santa Maria Overflow Bridge.
Nagpaalala naman ang mga otoridad sa mga residenteng malapit sa Magat Dam na mag-ingat at lumikas kung kinakailangan dahil sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.