Dinumog ng mga kukuha ng pagsusulit at kanilang mga taga-suporta ang huling araw ng 2016 Bar Examinations sa University of Santo Tomas ngayong Linggo.
Hindi nagpatalo ang mga taga-suporta ng examinees kung saan ang ilan pa sa mga ito ay may dalang karatula na nagpapahayag ng mensahe ng pagsuporta para sa mga kumuha ng pagsusulit.
Hindi pa man natatapos ang pagsusulit ay nagdiwang na ang mga taga-suporta ng mga examinee sa paligid ng UST.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng pulisya ang mahigpit na seguridad sa palibot ng unibersidad.
Kahit dinumog ang nasabing lugar, hindi naman ito nagdulot ng pagsikip sa daloy ng trapiko.
Bago pa magsimula ang 2016 Bar Exams ay idineklara nang “no parking zone” ang paligid ng UST.
Aabot as 7,000 ang kumuha ng Bar Exams ngayong taon na nagsimula noong November 6.