Pinatay ang bise alkalde ng Datu Saudi-Ampatuan, Maguindanao na si Anwar Sindatuk ng mga hindi pa nakikilang suspek sa loob kaniyang bahay.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, pumasok ang hindi pa tiyak na bilang ng mga suspek sa mismong bahay nito bandang alas otso bente kaninang umaga.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.
Matatandaang nahalal si Sindatuk bilang kauna-unahang Municipal Councilor noong May 2016 elections ngunit umangat ang posisyon matapos mapatay si Mayor Samsudin Dimaukom at siyam na iba pa sa umano’y nangyaring engkwentro laban sa pulisya noong Oktubre.
Samantala, agad namang inilibing ang mga labi ni Sindatuk kasunod ng tradisyon ng muslim religion.
MOST READ
LATEST STORIES