Ayon kay Catanduanes Police Provincial Public Safety Company Commander Chief Inspector Charles De Leon, naganap ang operasyon matapos mag-isyu ng search warrant batay sa mga nakalap na impormasyon ukol dito.
Dagdag pa ni De Leon, isiniwalat ng isang drug suspek na ang naturang laboratory ang nagsusuplay ng droga sa Tabaco, Albay.
Batay naman sa datos ng mga opisyal ng barangay, Chinese nationals ang nagsasagawa ng operasyon sa nasabing laboratoryo sa Barangay Palta Small.
Sa pagdating ng mga awtoridad, hindi pumayag ang caretaker na si Lorenzo Penera at isang nagngangalang Paulo Uy na mausisa ng Bureau of Fire Protection ang naturang pasilidad.
Ipinakita naman ng may-ari na si Angelica Balmadrid ang kontrata na isang Jason Gonzales Uy ang nangungupahan lamang sa kaniyang ari-arian.
Samantala, kinumpirma ni Catanduanes Provincial Crime Laboratory Chief Inspector Josephine Clemen na pagawaan nga ng shabu ang natagpuan ng pulisya.
Narekober naman ang ilang mga kemikal at “high tech” na kagamitang kadalasang nakikita sa mga shabu laboratory sa lugar.