Isang party, isinagawa sa Miami U.S kasunod ng pagpanaw ni Cuban leader Fidel Castro

MIAMI PARTY FIDEL CASTRO
INQUIRER FILE PHOTO

“Cuba Libre!” “Freedom! Freedom!”

Ito ang sigaw ng mga nagtipun-tipong Cuban-American sa mga kalye ng Miami, United States bilang selebrasyon sa pagkamatay ng Cuban revolutionary icon na si Fidel Csstro.

Sa pagkamatay nito, nagbusina ng mga kotse, nagtambol ng drums, sumayaw, umiyak at nagwagayway ng bandera ng Cuba ang mga Cuban national na naapektuhan ng komunistang rehimen ni Castro.

Ayon kay Pablo Arencibia, isang sisente’y siyete anyos na guro na umalis sa Cuba dalawang dekada ang nakakaraan, malungkot makitang may nagbubunyi sa pagkamatay ng isang tao ngunit sa nagawa nito, hindi aniya kailanman dapat nabuhay si Castro.

Kumalat din ang mga litrato at bidyo ng nasabing pagtitipon sa iba’t ibang social media sites.

Maliban sa Miami, makikita rin sa Little Havana at Hialeah ang pagsasayaw at pagyayakapan ng mga Cuban refugees.

Samantala, makokonsidera na pangunahing tirahan ng dalawang milyong Cuban nationals ang Miami dahil pitumpung porsyento ito sa kabuuang bilang ng mga residente sa Florida.

Read more...